February 8, 2010 at 7:30 p02 (Uncategorized)

The Edsel’s Way


And for years I’ve been all alone,

Wandering who will take me home.

Days of solitude is a roller coaster,

Emotions go down and then higher.

______

I’m always asking for a sign,

That love is on the line.

But I guess, I misread the rhyme,

Falling and tumbling a mile.

_________

What is the reason for crying,

What is the reason for sleeping.

I struggle for an answer,

I crave for a lover.

________

Then I saw you in white cloth,

In my eyes like an angels’ brought.

And I knew there’s something in my thought

Meeting you is what I’m looking forth

________

And then we met.

_______

As the glass window opens, I let my eyes roll

My heart recognizes you more than my eyes do.

But I was afraid I get shunned

I was afraid there’s another cry.

_______

When we finally met, inside it was chaos

Mind versus heart, heart versus fears

I was silent contemplating this chance

Thinking if this is the beginning and ending all at once

__________

We walked and walked and talked and talked.

It was the best walked I had

It was the worst talk of my life.

Maybe that’s how it feels,

Whenever I come across one of my dreams.

_________

At Francisco Street we parted ways,

Lots of if’s, tons of wishes.

Legs aching, heart pounding, worries rising,

Hope the night starts immortalizing.

_________

Too much thinking eats me,

My worries swallow my body.

And my mind tells me,

That my heart is minding somebody.

_________

But all worries fade, when you said yes.

There’s another chance for me to see your face.

And I want to thank you for the opportunity,

Thank you for the company,

And making my 21st special, baby.

_________

All along my mind keeps shouting,

My heart is confessing as my tongue is twisting.

Such a dork for not telling

That this ain’t playing.

_________

In this verse I feel so brave.

Words are coming and I knew its nearing.

I can’t fight the feeling.

And this is what my heart is saying;

Each time I think of you, I miss you and every time I see you, I’m falling for you.

There’s no holding back, let the

assumptions flew.

I don’t like you. I don’t want you.

I grandly love you.

I really do!

_________

I Love You once, twice and thrice.

~º edsel n º 11:57 pm º

PARA KAY V.I.

Permalink Leave a Comment

Kwentong Biyahero (Ikalawang Kwento)

December 30, 2009 at 7:30 p12 (is LOVE a neccesity?) (, , , , )

I

May panibagong kwento ang buhay biyahero,

Hindi ko masagot kung nakatutuwa o nakapanlulumo.

Ang alam ko lang, naging duwag ako.

Ang alam ko lang, kinain ako ng kaba at blanko.

II

Kung sa unang kwento biyaheng pang 30 minuto,

Ngayon ay biyaheng umaabot ng limang oras na nakakabato.

Biyaheng probinsya naman ang takbo.

At hindi ko inaasahang sa biyaheng ito, hindi ako mabuburo.

III

Bahagya lang kitang napuna.

Umiikot sa utak ko ang bigat ng aking dala.

At sa kakamadaling makahanap ng upuang paiinitin ng wetpaks ko,

Nagkataong ito’y sa likod mo.

IV

Buhok na mahaba at manipis, kwadradong salamin,

Natatakpan nito ang nakakatulalang tanawin.

At lalo akong natulala nang makita ko ang iyong mukha

Nang hawiin ang iyong buhok at ayusin ang iyong silya.

V

Hindi ka naman maputi, at hindi rin maitim.

Walang make-up at mukhang hindi palaayos.

Maliit na mukha, maamo at tila isang babaeng hindi mo hahayaang lumuha.

Maganda ka kahit hindi nakangiti.

Pero higit na gumaganda kapag lumabas ang iping maputi.

VI

Nakatulog ka, nakatulog rin ako.

Tulog ka pa rin ng magising ako.

Sa salaming bintana ng bus, natatanaw kita,

Mahimbing ang tulog at kyut na kyut pa rin.

VII

Nahahawakan ko ang hibla ng iyong buhok,

At tila gusto ko akayin ang ulo mo sa balikat ko.

VIII

Masarap ata tulog mo.

Sige lang, nasasarapan din ang mata ko katitig sayo.

IX

Nabawasan na ang tao sa bus.

Kakaunti na rin ang tao sa likurang kinalulugaran natin.

Nagising ka na rin sa wakas.

At nangungulit sa mga kasamang bagets.

X

Hindi ako nagpahalatang tinitingnan ka.

Pero sinadya kong ilagay ang kamay ko sa upuan mo,

Nang sa gayon ay masandalan ng ulo mo.

XI

Sa tinagal ng biyahe, wala akong lakas.

At kinakain ako ng kaba.

Lumipat ako sa kabilang upuan, upang lalo kang makita.

Lalo ka palang maganda kapag bagong gising.

Habang itinataas ang nahuhulog na salamin.

XII

Sapul na sapul ang puso ni Nasty-Mak!

XIII

Ilang beses kang lumingon at bahagyang ngumiti.

Nung una akala ko wala lang, pero naulit.

Isa, dalawa, tatlo… at tila sinadya mo pa talagang makita ko ang iyong mukha

At pagkatapos ay ngingiting walang iping makikita.

XIV

Para kanino ba ang mga ngiting iyon?

Sa iyong kasamang mahimbing na natutulog?

O sa mga multo sa aking likod?

XV

Todo ang aking kaba.

Parang kumakain ng sawa ang daga.

Anak ng tinapa! Hindi ko alam ang gagawin sa iyong ganda.

Natatameme ako at nahihiya.

Kung pintor ako, naiguhit na kita.

Kung baller ako, malamang nabola na kita.

Kaso ako’y isang torpeng manunulat

Kaya dito ko na lang ilalabas ang pagkabighani ko sa iyong ganda.

XVI

Gusto kitang makilala

Pero paano nga ba?

Pang-ilang pagkakataon na ba?

Na wala akong nagawa kundi tumitig at bumuntong hininga

Sayang! Sayang!

XVII

Muli’y nagpakawala ng malalim na hininga habang tinatanaw ka.

Sana sa susunod na Disyembre, makasabay muli kita.

Permalink Leave a Comment

Mona Lisa Smile (Community Organizing Edition. Brgy Janosa Talim Island Binangonan Rizal)

October 28, 2009 at 7:30 p10 (college) (, )

“Saan tayo pupunta?’ tanong ni Mary Ann Datoy sa akin habang nasa bangka kami. “Hindi ko alam!”, seryoso kong sagot sa kanya. Katahimikan! Maya-maya, “anong gagawin natin ‘don?”, tanong niya muli. “Maghahanap”, maikli kong sagot. “Nang ano?”, tila naguguluhan niyang tanong. “Nang organization? Nang contact? Ng area? Hindi ko rin alam eh.” naguguluhan kong sagot. Katahimikan! Maya-maya napaisip ako. Naiintindihan kaya ako ng kasama ko? Tila naiitindihan niya ang mga sagot sa tanong n’ya na ako mismo hindi ko maintindihan. Nangiti na lang ako bigla. Baliw ba ako? O malakas ang loob ko sumuong sa isang bagay sa pag-asang may matutuklasang bago? Minsan nakatutuwa ang lipunan. Kapag wala kang plano sa mga ginagawa mo, tatawagin kang kakaiba o di kaya ikaw ay isang “wanderer”, “willing to take the risk even there’s no assurance it will be good”. Ewan ko lang kung positive trait ba ito o negative trait. Siguro matapang lang ako. Siguro minsan kailangan mo maging matapang. Kailangan mo mag-take ng risk para makita mo ang mga bagay na tinatago sa’yo ng lipunan.

… not all who wander are aimless, especially not those who seek truth beyond tradition, beyond definition, beyond images.”

~Betty Warren, Mona Lisa Smile (2004)

Minsan nakatutuwa maging wanderer. Yung tipong “come what may, just give it a shot!”. Nandon lahat ng emotion at challenges. Tipong hindi mo alam kung saan ka pupupnta, sino ang hahanapin mo at higit sa lahat maka-uuwi ka pa ba? Isang pribilehiyo para sa akin na ikuwento ang bahaging ito dahil dito nagsimula ang isang karanasang nagturo ng mga aral na kailanman hindi mapapantayan ng 1.0 na marka sa classcard.

Korny mang sabihin, pero itinadhana yata kaming mapunta sa Isla Talim, Brgy. Janosa. Walang may ideya sa amin kung ano ba ang lugar na ito at kung may mangyayari bang makabuluhan sa summer namin. Ang summer na sana nasa mga probinsya namin, kasama ang pamilya at kapatid, igugugol ang mahabang bakasyon. Buti na lang, matapang ako! Buti na lang matapang si Meann D!

Sabi ng mga nakatatandang kapatid namin sa programang ito, isa sa maipagmamalaki ng Departamento ang kursong Community Organizing. Noon tinatanong ko sa isip ko kung bakit. Pero ngayon, totoo nga! Isa nga sa maipagmamalaki ng Departamento.

Ang buhay mag-aaral ay isang nakababagot na buhay. Mahabang panahon ng pag-aaral na umiikot sa numero, sinong nag-imbento ng ganito, saan ang ganito, paano ang ganyan, bakit may ganito at kung ano-ano pa, na sa paulit-ulit na pagtuturo lalo mo lang nakakalimutan. Oo mahalaga ang mga iyon pero may mas mahalaga pa sa mga iyon. May mas mahalaga pa sa mga konseptong patuloy na umiikot lang sa apat na sulok ng silid-aralan. Ano iyon? Pag-aralan, alamin at diskubrehin kung ano nga ba ang buhay bilang isang tao na may pakialam sa lipunang kanyang ginagalawan. Tuklasin ang mga bagay na itinatago ng lipunan sa’yo. At minsan kailangan mong tanungin ang lipunan kung bakit kailangang sumunod ka sa kanya.

Sa isang buwang pakikipamuhay, masasabi ko sa puntong ito, ang mga natutunan namin at natuklasan ay higit pa sa inaasahan namin! Higit pa sa hiniling namin! Ako, hiniling ko lang na maisagawa ang CO ng matiwasay, walang ma-abduct at walang madisgrasya! Yun lang. Hindi ko hiniling na makahanap ng mga taong magkakaroon ng puwang sa puso ko. Hindi ko hiniling na matutunang magdesisyon para sa sarili ko. Hindi ko hiniling na matutong makibagay. Hindi ko hiniling na magkaroon ng isang summer na magbibigay ng bagong pananaw sa buhay.

Sa mga unang araw, napaka-sentimental ng mga sandali na iyon. Estranghero kaming lahat sa isa’t-isa. Tipong bawat galaw mo dapat kalkulado mo. Bawat salitang bibitawan kailangang pag-isipan. First problem ko, PRESSURE! Nakaka-pressure na malaki ang expectations nila sa inyo. Nariyan ikukumpara kayo sa mga nauna ng nakipamuhay. Mahirap magsimula dahil pare-pareho kaming “wanderer” dito. At ito pa ang nakatatawa; ako na napunta sa isang malaking bahay, may sariling kwarto, sariling CR at kama ay naiinggit sa mga kasama kong napunta sa barong-barong. Ironic! Simple lang dahilan ko ‘non. Gusto ko maranasan kung papaano ko ibabagay sa ganong sitwasyon ang sarili ko, malayo sa nakasanayan ko. Pero lately naisip ko may dahilan kung bakit sa ganitong bahay ako napunta. Hindi pala sukatan ang istraktura ng bahay. Ang mahalaga nasa puso mo ang salitang pakikipamuhay at maigting ang kagustuhan mong matuto ng mga bagong kaalaman.

Bilang lider ng grupo, malaki ang responsibilidad ko sa grupo. Pero sa tingin n’yo, a wanderer leader can do something? Ewan ko lang! Natatandaan ko noong dumating ang kabilang grupo. First week pa lang nila, busy na sila. Tapos natotorete na rin ako sa mga kasama ko, kasi tuwing gabi magtatanong sila, “anong plano bukas?”. At sasagot akong “itetext ko na lang kayo” o kaya “bahala na. Basta!”. Honestly, pumunta kami sa lugar na iyon na walang konkretong plano. OO, kung titingnan mali nga iyon.

Naka-iinggit nga naman ang ibang grupong may programa agad. Napaisip ako kung ano nga ba talaga ang gagawin namin dito maliban sa pakikipamuhay? Inaatake na naman ata ako na “wanderer syndrome”. Hanggang tila sa isang bahagi ng utak ko, may nagsabi, ‘Paano ka gagawa ng plano at programa kung hindi mo pa kilala ang paglalaanan mo ng mga programang ito?”. Ang lipunan madalas gusto tayo mabuhay sa isang plano; dapat ganito, dapat ganyan. Naganap nga ang plano mo pero nag-enjoy ka ba? May natuklasan ka ba? Nadiskubre ko, kailangan makipamuhay ka sa kung ano ang meron sa bawat araw, handa ka man dito o hindi. Sabi nga, “to live according to plan, to live inside a box is to deny one’s self of the lessons that come with spontaneity”. See! Natuto ako, kami! Magsimula kung kailan kilala mo na ang komunidad at nakuha mo na ang tiwala nila. Para sa lahat ng plano mo, madali mo silang mapasusunod.

Habang tinutuklas mo ang lugar kasabay nito ang paglalapat ng mga plano. Bilang lider nila, mas gusto kong sila ang tutuklas ng mga bagay-bagay kaya hindi ko inaalis sa kanila ang mga bagay na nakasanayan nila. Kailangan sila ang mag-isip kung alin ang mali at tama sa ginagawa nila.

Sa isang buwan na iyon, wala akong masabi sa dami ng kultura at tradisyon na aming naranasan tulad ng kultura at tradisyon nila sa mga kasiyahan; sayawan, pyesta, mother’s day, anniversary, kasal, kumpil, sagala at lamay. Maging sa mga pamahiin. Sa bahaging ito, masasabi ko na isa sa mga totoong datos na nakalap namin ay nasa bahaging ito. Walang set of standard questions. Meron lang mapanuring mata!

Ang CO hindi lang para sa komunidad kundi pati na rin sa mga nagsasagawa nito upang mas makilala ang mga sarili nila at mga kasama nila. Sinong mag-aakala na ang lalaking-laking tingnan ay may malambot na puso pagdating sa pagpapahalaga sa mga taong nagparamdam ng pagmamahal at pag-aaruga at may kakayanang magbigay inspirasyon sa mga bagong kapatid? Na ang tahimik na lalaki ay may mabuting kalooban para sa grupo? Na mas luluha ang mga kalalakihan sa oras ng pamaalam? Na ang mga babaeng hindi nakaranas gumawa sa bahay ay matututo ng lubusan? Bilang lider nila, proud ako sa kanilang lahat. Sa mga kalalakihan na kitang-kita ang matinding attachment sa komunidad at sa mga babaeng handang ibukas ang mga sarili para sa komunidad.

Sa pakikipamuhay, kailangan mo minsan kalimutan ang iyong relihiyon bilang paggalang sa relihiyon ng mayorya at ng komunidad. Sa lugar na ito, wala akong masabi sa lakas ng impluwensya ng relihiyon na lalong nagpapayaman sa kultura nila.

Minsan hindi maiiwasan ang mga pasaway. Yung tipong, mali ng isa, mali ng lahat at ang masaklap dun ako ang unang makaririnig ng mga puna. Masakit sa akin iyon pero sa lahat ng natutunan ko sa Isla ito ang pinaka-gusto ko. “Kailangan magkamali para makita mo kung ano ang meron ang komunidad. Kailangan minsan i-violate mo ang mga norms nila para makita mo ang totoong norms at paano mag-rereact ang lipunan dito”. Madalas ang inuman, totoo yun! Hindi ko sila pinagbabawalan dahil alam ko, alam nila ang tunay na dahilan ng inuman. Una, pakikisama. Pangalawa, makakuha nang tunay na datos na hindi nila nararamdamang pinag-aaralan sila. Ayoko silang sisihin kung minsan nakaririnig ako ng bad comments. (clinarify namin sa mga nanay namin noong huling assessment ang tungkol sa bagay na ito.)

Siguro nga pabaya ako pero kahit ganun man, kahit papaano natututo sila malaman ang kanilang limitasyon sa bawat galaw.

Ang CO ay isang kursong magpapalaya sa iyong kamalayan. Makikita mo kung sino ka noon at kung sino ka ngayon at ano ang gusto mo bukas. Makikita mo kung ano nga ang katotohanan sa lipunan at kalagayan nito. Higit sa lahat makikita mo kung ano nga ba talaga ang reyalidad ng buhay.

Sa isang simpleng lugar ng Janosa, doon ko naramdaman ang kapanatagan ng loob. Isang matamis na pagtakas sa magulong Maynila. Sa lugar na iyon, kung saan mararamdaman mo ang kahalagahan ng pamilya mo, ng kaibigan mo at mga kaaway mo, ng pag-aaral mo at higit sa lahat ang buhay mo.

Mahirap mabuhay sa mundo lalo na kung hindi ka marunong sumakay sa agos ng buhay. Kung nakasakay ka sa bangka at panay ang galaw mo, mahuhulog ka. Ang buhay ay parang lawa. Minsan napakaganda, minsan tila malumbay, minsan galit, at minsan tila nagbabadya ng panganib. Pero kahit ano pa man ang itsura ng lawa kung magaling kang sumabay sa mood nito magtatagumpay ka. Alam mo kung kailan kakaliwa at kakanan at kailan din hihinto upang makiramdam.

Hindi matatawaran ang nangyari sa grupo namin. Hindi man perpekto pero totoo. Mahirap makipamuhay, sa totoo lang. Mahirap makibagay sa hindi mo nakasanayan. Ngunit upang magtagumpay ka, kailangan nasa puso mo ang gawaing ito. Buksan ang sarili at kalimutan ang lahat ng luho ng mundo. Masaya ako sa kinalabasan ng CO na ito. Kahit noong umpisa madalas naming maramdaman ang pagkukumpara sa amin sa ASI pero noong huli na, hindi ko makakalimutan kung paano sinabi ng mga nanay namin, “Kayo lang ang nakipamuhay sa amin na kami ang inaasikaso ninyo.”

Nagpaalam kami sa kanila ngunit iyon ay pansamantala. Hindi dito natatapos kung anong meron kami para sa kanila at sila para sa amin. Mananatili silang pangalawang pamilya namin. Babalik at balik kami sa lugar na iyon kung saan kayamanan ang kasimplehan ng buhay. Sa simpleng buhay nararamdaman mo ang pagiging tao.

_______________________

This is one of my reaction papers way back in college. How I miss these days.

Permalink Leave a Comment

kowt-unkowt REALITY Show

October 16, 2009 at 7:30 p10 (Uncategorized) (, )

  • Ayos ang PBB Double Up. Somehow, refreshing yung concept of having two houses at the same time having two twins, and now a couple.
  • The tasked given to the couple and to the other housemates who pretended lovers, keep the excitement of the show.
  • One thing I’m bother is the thought of “feelings…emotions”.
  • In a wider view, the tasked given was given to teach a lesson special to the couple wherein the audience can relate the game to reality.
  • That thought was good as far as teaching is concern and as far as instilling the idea of being responsible and committed is concern.
  • But in a context of playing, why do I feel the thought of, the network was playing with the emotions of the housemates.
  • Given that the housemates auditioned and aware that it is only a game, I still don’t buy the idea of playing with the emotions of people to achieve a certain point.
  • Added to this thought is the medium use. From the first task (twin’s swapping) up to the latest task, aren’t these tasks were tasks of deceiving?
  • I understand how Patrick feels when Jim and Kath burst out of tears and revealed their task. First, the effort was there no matter how hard it is to lie and to pretend. And to consider that in a few more days, the task will end. Second, the feeling that your lying/pretending definitely affects the sense of ‘being’ of Patrick. He even said he can’t face his housemates because it feels awkward. Safe to say its Patrick’s pride but he got a point. It’s like lying to the one you love and you can’t stare at them.
  • As for Jim and Kath situation, it is understandable how they feel. But again, isn’t it a given idea that everything is a game? One thing I realized in that scenario is guilty people easily burst out when they get what they did. It’s okay to feel jealous. But it’s not okay that the whole house suffers from your personal undertakings.
  • As for Rica and Rob task, the same thought of deceiving other housemates is there. But in this case, the possibility that Rica badly fall in love with Rob is high. And somehow this might affect their treatment with each other. Again playing with their emotions.
  • As for a deeper analysis, the society is now moving, through media, into introducing the concept of homosexuality/transexuality. I have nothing against this but children should be properly guided when watching.
  • Lastly, sympre sinong hindi matutuwa kay Melay? Hahahaha.. Natural na natural. Laugh trip is effortless.

Permalink 1 Comment

Angel with Braces

September 6, 2009 at 7:30 p09 (is LOVE a neccesity?)

___________________________________

fallen angel and her falling feathers____________________________________

I

An angel has fallen, and she’s smiling,

She hardly notice her wings spreading

A shy smile in her angelic face shimmers and strikes

And in my sight, she’s all that I need to survive.

II

She’d been a bad angel, but who cares?

You’ll get hypnotize with her brace.

She will smiles at you, and you’ll melt,

As if she’s an angel of sudden death.

III

I was dead for a while until I catch a feather,

One of those white and sparkling feathers that never falter.

I was blessed that I got a chance,

To get near and smell your fragrance,

Under the rain…

Under the train.

IV

The sweetest angel I ever know,

In front of me, damp with glow.

Her breath brings warm,

Her smiles provide shine.

V

How fragile you are, how genial,

The fallen angel is a lady of regal.

She deserves nothing but a gentle one,

But she loves no one but a wicked man.

VI

The imp cracked her up and broke.

My fallen angel badly falls and was crooked.

Breaking her wings and shedding tears.

She was beat and she weeps,

But she loves no one but the imp.

VII

The precious angel, the priceless dream.

The angel with shinning wings.

Hope you’ll be freed,

Hope you’ll believe,

That there is no love in your dropped blood and tears.

For no love hurts and no love weeps.

VIII

She remains with the imp and forgot her tears.

She lived with uncertainty, believing that love can change the imp.

But the mortals say, ‘An immortal is forever immortal. There is no love in wicked immortal.’

VIII

She loses her glints, so they say.

But in the arms of a mortal,

Her eyes can see no imps…

Can’t hear no weeps…

Can’t feel any demise.


IX

For no matter how battered my angel,

A mortal is willing to cast away the spell.

The fallen cherub is the same precious seraph,

So fragile, delicate and regal.

Deserves love and nothing but love of a true mortal.

_______________

As fulfillment of a promise…

Permalink Leave a Comment

The Power of Words

September 6, 2009 at 7:30 p09 (Uncategorized)

by By Dr. Ritu Arora, 9th February 2009
http://tickledbylife.com/index.php/the-power-of-words/

Do you suffer from the “read my mind” syndrome?

My brother Raj had a huge crush on this girl ever since his adolescent years. Now in his late thirties, he still blushes at the mention of her name. Today, she has 2 kids, and is happily married…to someone else. Why? He did not ask her to marry him, he never told her he loved her, or had a crush on her, and he never said she mattered.

“Ask and you shall receive. Seek and you shall find. Knock and the door shall be opened unto you.” These words of Christ express a natural law; mainly, the world responds to those who ask. Why then are we afraid to ask, to use those words.

During my school days, I used to dread competition, “what if I lose?” The habit continued, till about a year ago, when I did an inspirational speech. The speech was delivered, and I could almost see the winner’s trophy, when they announced, and winner is…XYZ. They didn’t announce my name. Sure enough, I had lost, or so I thought then.

A little while later an old acquaintance walked up to me. He put an arm around me and said, “Ritu, was what you said about your father having a near death experience, true?”

I confirmed it was. “You see, I have a special child, and I face a challenging situation at home every day, your speech fills me with hope.” I could see his eyes were moist.

A couple of days later, a friend called up, “Ritu, that speech of yours, the one about your father, well it inspired me so much, I hope some day I shall be able to inspire people like that.”

Another acquaintance had quoted the same speech for his icebreaker.

Then it happened! I realized that if I said something and someone made it a part of his/her life, I had touched a life. I hadn’t lost that contest. I had discovered something that worked. WORDS.

My favorite song by Boyzone runs, “It’s only words, and words are all I have…to take your heart away.”

It is indeed a pity to hear someone say, “If she really loved me, she would know how I feel.” Or worse, “We have so many arguments, maybe we aren’t meant for each other.”

My advice for such couples is that your better/bitter half is not a mind reader. Humans are capable of expressing through words, and experiencing infinite emotions. If you are arguing, congratulations, you are on way to getting to know the other person through the art of expression. Expecting someone to read your mind, is like putting a newspaper out in the sun and hoping it will burn. Use words as a magnifying glass, to direct the sun rays, and the paper will burn. Still suffering from the “read my mind” syndrome? My remedy is, marry a mind-reader, or better still date a brain scan.

My father used to say, “Words are like arrows, once out of the mouth, they can never be taken back, one needs to be careful with what one says!” Another powerful saying goes, “be careful, what you ask for may come true” What if you never asked for anything, you would never get what you could have got had you asked for it. You would never know what you missed. As a child I loved a pair of pink shoes that I saw once at a store. Every birthday, I would secretly hope that my parents or someone would gift me those shoes. Every birthday, you’ve guessed it, I didn’t get those shoes…because I didn’t ask for them. Last year, Christmas time I walked into the store with my mother, looked at the shoes and spoke out loud, “Ma, may I have these pink shoes, please?” Today, the shoes sit in my shoe-rack as a gift from mom.

Percy Ross has aid, “The world is full of genies waiting to grant your wishes.” You need to use those words, to marry the girl of your dreams, to influence someone, to get your emotions across to the person you love, or to get the shoes that you want. To learn what you can get you need to ask for what you want.

Often, when a person is gone, we give long eulogies, but how many of us bother to tell a person how wonderful he/she is while he is still with us. Use those magical words… be it “I love you” or “I am sorry” or “Will you be mine” or “This is what I meant” or “May I have this” or “You mean the world to me” or “You matter” or “You made a difference to my life”.

Use the power of words. Keep talking. Keep writing. Keep influencing!

_____________________________

Dr. Arora is a freelance corporate trainer, Reiki master, feng shui consultant and aromatherapist. A periodontist by education, a Toastmaster by passion, she has been actively associated with radio, theatre and fine arts. Visit her websites www.mentalsparks.com and www.camelliastory.com.

Permalink Leave a Comment

Unnoticed Coming

September 5, 2009 at 7:30 p09 (college)

March 20, 2009

_________________________________

the Socio's_________________________________

Geez! Ayoko mag-english sa blog na’to. Toxic na utak ko. hehe

This is the last month of my college days. Wooh! Bilis ng panahon. May bagong graduate na naman si mama at papa. At higit sa lahat may bagong graduate na naman ang mga tax payer. Iskolar yata toh! =)

Paano mo ba isusummurize ang four years of college life mo? Siguro katulad din ng interpretasyon kung paano isusumurize ang whole life mo.

Ganito lang yan, 2005 – 2009.

College life is represented symbolically by a dash in between (-). Naks! hehe Ganun lang kaliit ‘yun pag sinulat pero kung gusto mo malaman ang laman ng isang dash, spend a whole day or a whole week with me tapos kwento ko sayo. Email mo lang ako if you want. hehe =) wink*

Kanina, last exam na namin. Even though tapos na talaga ang second semester since last Saturday, overtime pa ang college life ng 1 week. Pero kanina, parang hindi ko maramdaman na last exam na. Hindi ko maramdaman na huling beses na yun na magkakasama kami for academic purposes sa W617. Na huling pagkakataon na iyon, na makikita namin ang isa’t-isa na parang mga baliw, nakatingin sa kisame o kaya’y nakatitig sa kawalan, habang nagsasalita na sarili mo lang ang nakaririnig ng iyong sinasabi. May pagkakataon pang hinahampas mo ang ulo mo ng papel na tila ba bumubuka ang ulo mo at lalalmunin ang mga letra sa notes mong Xerox copy ng notes ng iba! Tamad! At kung mamalasmalasin ka pa, darating ang maiingay mong klasmeyt. Sasabihing hindi pa sya nagrereview pero daldal ng daldal habang ‘plastic’ na hawak ang notes.Kunwari nagrereview pero ang totoo madami yang kwento. At kapag malapit na ang exam time sasabihin, ‘kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa utak ko!’

O kaya, isa na yun sa mga huling sandali na makikita namin ang mga sarili naming nakaupo sa puno nang vandal na mga arm chair.

O kaya huling pagkakataon na magtatago kami ng kodigo kung saan man pwde itago… (madalas sa blue book, iniipit).

Huling beses na rin pala iyon na dadaanin mo sa pa-cute para makakopya o kaya dadaanin mo sa pananakot, ‘eto parang hindi kaibigan’ o kaya ‘wala toh. Walang pakikisama’.

Isa sa huling sandali na aakyat kami ng six floor. Isa sa huling sandali na mararamdaman naming kami ang hari ng main building dahil nasa tuktok kami.

Pero hindi ko nakararamdam ng lungkot. Siguro wala lang akong panghihinayang na nararamdaman. Walang panghihinayang sa isang maliit na dash ng college life ko na para sa akin eh humubog sa isang AKO.

Bakit Unnotice Coming? Bakit ko nga ba sinusulat ito?  unnotice coming dahil hindi ko naramdaman na dumating na pala ang simula nang pagtatapos. Sinusulat ko ito upang bigyang halaga ang isang saglit na maaring hindi ko na matandaan ang eksaktong araw na naganap ito pero higit na matatandaan ko ang sandaling ito bilang isang sandaling hindi ako naghahabol sa mga bagay na hindi ko nagawa at sana’y ginawa ko dati pa. Gets mo?

Fulfilled college life!

_______________

Gusto kong alalanin ang araw na ito bilang huling araw kung saan ang mundo ay nakapaloob sa mundo ng aral at pakikibaka. Sa mundong alam kong lubhang kakaiba, at lubhang naiiba sa tunay na mundong papasukin pagkatapos nito.

Permalink 3 Comments

Biyaheng Stop n’ Shop

September 5, 2009 at 7:30 p09 (is LOVE a neccesity?) (, )

shoe away
(free verse) i just felt writing it. it makes me smile when it touches my mind. bwahaha

Magkatapatan tayo.
Nasa kanan ka, nasa kaliwa ako.
Hindi kita napansin ng umupo ako.
Hindi naman kita kilala.
Pero dahil sa bagal ng usad ng sasakyan,
Napansin kitang tinitingnan ang sapatos ko.
Tinitingnan mo siguro kung paano naging itsurang banig ang sintas nito.

Matagal tagal mo ring tiningnan.
Di tulad ng dati, kapag may tumitingin dito,
Ginagalaw ko paa ko, para ipahiwatig na hindi ko gusto ang tingin mo.
Pero ngayon, hinayaan kita. Ewan ko ba.
Hanggang napansin mong nakatingin ako, at tinigilan mo ang sapatos ko.

Tahimik lang sa loob habang unti-unting nauubos ang sakay.
Habang tila lahat ay may iniisip o yung iba’y lumilipad ang isip.
May pagkakataong, nagtatagpo ang ating paningin.
At pagkatapos, maguunahang humiwalay ng titig.

Sabi mo kanina, Stop n’shop ka.
Sabi ko naman, V. Mapa.
At yun lang ang tanging salitang namagitan sa ating dalawa.

Sa hindi ko alam na dahilan, bakit bigla kang ngumiti.
Ako nama’y napangiti na rin.
Nakikiramdam ako. Nangingiti sa nakikita ko.
At ang maliit mong labi’y nakangiting nakakapagpapangiti.

Ilang saglit pa, nagkatingin muli.
May ngiti habang kapwa mahinang kumakanta,
Sumasabay sa musika ng sasakyang humaharurot sa kalsada.
Muling nagbitiw ang titig, at tinitingnan kita sa gilid ng aking mata.
Nakita kitang sumusulyap, walang pakialam sa buhok na lumilipad.

Naaamoy ko na ang aroma ng Dunkin Donut.
Ibig sabihin, malapit na akong bumaba.

Wala naman akong lakas para mag-umpisa.
Pero masaya na ako habang nag-uusap ang ating hininga.
Binabasa ang ating mga galaw.
Malapit na, konti na lang.
Wag ka na mag-pacute, hindi ko na kaya.

Bababa na ako bago pa tuluyan akong mabighani
Sa maliit mong mata’t labi.

Paalam na sayo saglit kong katitigan…
Kahit may kalayuan pa ang aking babaan.
At sa aking paglakad, nakita kita muli.
Sumilip sa bintana, lumingon at saka ngumiti.

Magkikita tayo muli. Sakay ka lang uli.
Biyaheng Stop ‘n Shop huh

Saturday, August 8, 2009 at 12:39am
sa tingin n’yo magkikita pa kami muli?
____
“We sometimes encounter people, even perfect strangers, who begin to interest us at first sight. Somehow suddenly, all at once, before a word has been spoken – Fudor Dostoevsky

Permalink 2 Comments

September 4, 2009 at 7:30 p09 (politika) (, )

Sept. 7, 21 non-working holidays—Palace

By TJ Burgonio

Philippine Daily Inquirer

First Posted 18:30:00 09/04/2009

MANILA, Philippines – President Gloria Macapagal-Arroyo declared September 7 and 21 as non-working holidays, Press Secretary CergeRemonde said Friday night.

Arroyo declared Monday next week a national day of mourning forIglesia ni Cristo Executive Minister Eraño “Ka Erdy” Manalo, who will be buried that day, Remonde said. “All flags will be flown at half-mast,” he said in a text message to reporters.

On September 21, the Muslim Filipinos will be marking Eid’l Fitr, or the end of holy month of fasting, Ramadan, according to Remonde.

___________________

Good news for the workforce, bad news for the academe! Too many holidays, no pay for teachers. Tsk!

So when is the next SURPRISED holidays?

Permalink Leave a Comment

Will you vote on 2010?

September 4, 2009 at 7:30 p09 (politika)

is it worth voting for?

is it worth voting for?

Yearly, we always hear the importance of one vote. Your one vote can change our country’s situation. Your one vote can upgrade our depressing situation. Your one vote can CHANGE the filthy- rotten government.

The pressure is on our hands so they say. How many elections have passed and we are always saying that our ONE VOTE can change our system. The fact is, our one vote is powerful but THEIR UGLY-FILTHY-DIRTY HANDS can CHANGE our one vote with or without our consent. So what’s the sense of ONE VOTE?

It’s not that I’m losing hope for what everyone craves for. It’s not that I’m losing hope that there can be good changes. Its just I’m losing hope with how the ruling class ruled the ruled class.

Everyone craves for power. Everyone is attracted to the shinning-shimmering image of political power. Once you hold it, you won’t drop it. You will never let go of it! See who’s running again? See whose saying they care when the reality is they don’t. See whose bragging again? They are the same people that do nothing but make news.

Before, I thought all good words being said on the national television are true. That when a candidate expresses his/her thoughts, full of enthusiasm it holds integrity. But after they are elected, their words are just words and their enthusiasm is just echoz-lang-yun.

Now that the political ‘depressing’ world is on its highest peak of “plasticity” what do we expect? Are we expecting that MY ONE VOTE and YOUR ONE VOTE can liquefy the solidified “plasticity” of our dirty-filthy government? Do we need miracles now?

I believe on the power of my ONE VOTE, it’s the one who will control my vote whom I don’t believe.


Picture courtesy of http://shass.mit.edu/research/political-science

Permalink 2 Comments

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.